Ipatitikim ng mga estudyante at mga kabataan kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng anti-Constituent Assembly (ConAss) rally ngayong araw sa lungsod ng Maynila.
Ito ang kinumpirma ni Kabataan party-list Rep. Raymond ‘Mong’ Palatino ukol sa aktibidad ng mga estudyante sa araw na ito kung saan inaasahan na magkakaroon ng walkout sa klase sa halos lahat ng unibersidad sa Metro Manila bilang bahagi ng kilos protesta.
Ayon kay Palatino, magsama-sama ang mga estudyante sa Liwasang Bonifacio bago ang kanilang anti-ConAss concert sa Plaza Miranda sa Quiapo, Manila ng alas-siete ng gabi.
Advertisement